1 Samuel 21

Nang araw na iyon, tumakas si David kay Saul, at pumunta kay Haring Aquis ng Gat.

1 Samuel 21:10 (UKJV) And David arose and fled that day for fear of Saul, and went to Achish the king of Gath.

8Tinanong ni David si Ahimelec, “Mayroon ka bang espada o sibat dito? Hindi ako nakapagdala ng espada o anumang armas dahil madalian ang utos ng hari.”

9Sumagot ang pari, “Narito ang espada ng Filisteong si Goliat na pinatay mo sa Lambak ng Elah. Nakabalot ito sa tela at nasa likod ng espesyal na damit ng mga pari. Kunin mo kung gusto mo. Wala nang iba pang espada rito kundi iyon lang.” Sinabi ni David, “Ibigay mo iyon sa akin. Wala nang ibang kapareho iyon.”

10Nang araw na iyon, tumakas si David kay Saul, at pumunta kay Haring Aquis ng Gat.

11Sinabi ng mga opisyal ng hari sa kanya, “Hindi baʼt ito si David ang naghahari sa lugar nila? Hindi baʼt siya ang pinararangalan ng mga kababaihan habang sumasayaw sila at umaawit ng, ‘Libo-libo ang napatay ni Saul, tig-sasampung libo naman ang kay David?’ ”

12Inisip ni David ang sinabi nila, at natakot siya sa maaaring gawin sa kanya ni Haring Aquis ng Gat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.