1 Samuel 21

Sumagot ang pari, “Narito ang espada ng Filisteong si Goliat na pinatay mo sa Lambak ng Elah. Nakabalot ito sa tela at nasa likod ng espesyal na damit ng mga pari. Kunin mo kung gusto mo. Wala nang iba pang espada rito kundi iyon lang.” Sinabi ni David, “Ibigay mo iyon sa akin. Wala nang ibang kapareho iyon.”

1 Samuel 21:9 (UKJV) And the priest said, The sword of Goliath the Philistine, whom you slew in the valley of Elah, behold, it is here wrapped in a cloth behind the ephod: if you will take that, take it: for there is no other save that here. And David said, There is none like that; give it me.

7Nang araw na iyon, naroon ang alipin ni Saul na si Doeg na taga-Edom. Siya ang punong tagapangalaga ng mga hayop ni Saul. Naroon siya dahil may tinutupad siyang panata sa Panginoon.

8Tinanong ni David si Ahimelec, “Mayroon ka bang espada o sibat dito? Hindi ako nakapagdala ng espada o anumang armas dahil madalian ang utos ng hari.”

9Sumagot ang pari, “Narito ang espada ng Filisteong si Goliat na pinatay mo sa Lambak ng Elah. Nakabalot ito sa tela at nasa likod ng espesyal na damit ng mga pari. Kunin mo kung gusto mo. Wala nang iba pang espada rito kundi iyon lang.” Sinabi ni David, “Ibigay mo iyon sa akin. Wala nang ibang kapareho iyon.”

10Nang araw na iyon, tumakas si David kay Saul, at pumunta kay Haring Aquis ng Gat.

11Sinabi ng mga opisyal ng hari sa kanya, “Hindi baʼt ito si David ang naghahari sa lugar nila? Hindi baʼt siya ang pinararangalan ng mga kababaihan habang sumasayaw sila at umaawit ng, ‘Libo-libo ang napatay ni Saul, tig-sasampung libo naman ang kay David?’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.