1 Samuel 21

May pagkain ka ba rito? Bigyan mo ako ng limang tinapay o kahit anong mayroon ka.”

1 Samuel 21:3 (UKJV) Now therefore what is under yours hand? give me five loaves of bread in mine hand, or what there is present.

1Pumunta si David sa Nob at tumuloy kay Ahimelec na siyang pari sa Nob. Nanginig sa takot si Ahimelec nang makita si David. Nagtanong siya, “Bakit nag-iisa ka lang?”

2Sumagot si David, “May iniutos sa akin ang hari, at pinagbilinan niya ako na huwag ipagsasabi kahit kanino ang pakay ko rito. Ang mga tauhan ko namaʼy sinabihan ko na magkita-kita na lang kami sa isang lugar.

3May pagkain ka ba rito? Bigyan mo ako ng limang tinapay o kahit anong mayroon ka.”

4Sumagot ang pari, “Wala na akong ordinaryong tinapay. Ngunit mayroon ako ritong tinapay na inihandog. Maaari ko itong ibigay sa iyo at sa mga tauhan mo kung hindi sila sumiping sa kahit sinong babae nitong mga lumipas na araw.”

5Sumagot si David, “Hindi kami sumisiping sa mga babae kapag may misyon kami. Kahit na ordinaryong misyon lang ang gagawin namin, kailangang malinis kami. Ano pa kaya ngayon na mahalaga ang misyong ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.