1 Samuel 22

Ipinatawag ni Haring Saul ang paring si Ahimelec na anak ni Ahitob at ang lahat ng lalaki sa kanyang pamilya na mga pari sa Nob, at silang lahat ay pumunta sa kanya.

1 Samuel 22:11 (UKJV) Then the king sent to call Ahimelech the priest, the son of Ahitub, and all his father's house, the priests that were in Nob: and they came all of them to the king.

9Isa sa mga nakatayo kasama ng mga opisyal ni Saul ay si Doeg na taga-Edom. Sinabi niya kay Saul, “Noong naroon po ako sa Nob, nakita ko ang anak ni Jesse na pumunta kay Ahimelec na anak ni Ahitob.

10Tinanong ni Ahimelec sa Panginoon kung ano ang dapat gawin ni David, at binigyan pa po niya ito ng makakain at ibinigay din po ang espada ng Filisteong si Goliat.”

11Ipinatawag ni Haring Saul ang paring si Ahimelec na anak ni Ahitob at ang lahat ng lalaki sa kanyang pamilya na mga pari sa Nob, at silang lahat ay pumunta sa kanya.

12Pagdating nila, sinabi ni Saul, “Makinig ka sa akin, anak ni Ahitob.” “Nakikinig po ako, Mahal na Hari,” sagot ni Ahimelec.

13Sinabi ni Saul sa kanya, “Bakit ka nakipagsabwatan sa anak ni Jesse laban sa akin? Bakit binigyan mo pa siya ng pagkain at espada? Bakit nagtanong ka pa sa Diyos para sa kanya? Hindi mo ba alam na nagrerebelde siya sa akin at binabalak niya akong patayin?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.