1 Samuel 23

Nagtago si David sa mga kuta sa ilang at sa kaburulan ng disyerto ng Zif. Araw-araw ay hinahanap siya ni Saul, ngunit hindi siya ibinigay ng Diyos kay Saul.

1 Samuel 23:14 (UKJV) And David abode in the wilderness in strong holds, and remained in a mountain in the wilderness of Ziph. And Saul sought him every day, but God delivered him not into his hand.

12Muling tinanong si David, “Ako at ang aking mga tauhan po ba ay ipapaubaya ng mga mamamayan ng Keila sa kamay ni Saul?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, ipapaubaya nila kayo.”

13Kaya umalis si David sa Keila kasama ang kanyang 600 na tauhan at nagpalipat-lipat sila ng lugar. Nang mabalitaan ni Saul na tumakas na si David mula sa Keila, hindi na siya pumunta roon.

14Nagtago si David sa mga kuta sa ilang at sa kaburulan ng disyerto ng Zif. Araw-araw ay hinahanap siya ni Saul, ngunit hindi siya ibinigay ng Diyos kay Saul.

15Isang araw, habang naroon pa si David sa Hores sa disyerto ng Zif, nabalitaan niyang pumunta roon si Saul upang patayin siya.

16Ngunit si Jonatan na anak ni Saul ay pumunta sa kanya sa Hores para palakasin ang pananampalataya niya sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.