1 Samuel 23

Isang araw, habang naroon pa si David sa Hores sa disyerto ng Zif, nabalitaan niyang pumunta roon si Saul upang patayin siya.

1 Samuel 23:15 (UKJV) And David saw that Saul was come out to seek his life: and David was in the wilderness of Ziph in a wood.

13Kaya umalis si David sa Keila kasama ang kanyang 600 na tauhan at nagpalipat-lipat sila ng lugar. Nang mabalitaan ni Saul na tumakas na si David mula sa Keila, hindi na siya pumunta roon.

14Nagtago si David sa mga kuta sa ilang at sa kaburulan ng disyerto ng Zif. Araw-araw ay hinahanap siya ni Saul, ngunit hindi siya ibinigay ng Diyos kay Saul.

15Isang araw, habang naroon pa si David sa Hores sa disyerto ng Zif, nabalitaan niyang pumunta roon si Saul upang patayin siya.

16Ngunit si Jonatan na anak ni Saul ay pumunta sa kanya sa Hores para palakasin ang pananampalataya niya sa Diyos.

17Sinabi ni Jonatan, “Huwag kang matakot. Hindi ka magagalaw ng aking ama. Alam ng aking ama na magiging hari ka ng Israel at magiging pangalawa lang ako sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.