1 Samuel 23

Kaya tumigil si Saul sa paghabol kina David at bumalik para labanan ang mga Filisteo. Ito ang dahilan kung bakit tinawag ang lugar na iyon na “Batong Pinaghiwalayan.”

1 Samuel 23:28 (UKJV) Wherefore Saul returned from pursuing after David, and went against the Philistines: therefore they called that place Selahammahlekoth.

26Habang sina Saul at ang mga tauhan niya ay nasa kabilang gilid ng bundok, sina David at ang mga tauhan naman niya ay nasa kabilang gilid at nagmamadaling makalayo kay Saul. Nang malapit na silang maabutan ni Saul at ng kanyang mga tauhan,

27dumating ang isang mensahero at sinabi kay Saul, “Bumalik po muna kayo dahil sinasalakay ng mga Filisteo ang ating bayan.”

28Kaya tumigil si Saul sa paghabol kina David at bumalik para labanan ang mga Filisteo. Ito ang dahilan kung bakit tinawag ang lugar na iyon na “Batong Pinaghiwalayan.”

29Mula roon, dumiretso si David sa mga kuta ng En-gedi at doon nagtago.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.