27dumating ang isang mensahero at sinabi kay Saul, “Bumalik po muna kayo dahil sinasalakay ng mga Filisteo ang ating bayan.”
28Kaya tumigil si Saul sa paghabol kina David at bumalik para labanan ang mga Filisteo. Ito ang dahilan kung bakit tinawag ang lugar na iyon na “Batong Pinaghiwalayan.”
29Mula roon, dumiretso si David sa mga kuta ng En-gedi at doon nagtago.