1 Samuel 24

Nang bumalik si Saul mula sa pakikipaglaban sa mga Filisteo, sinabi sa kanya na naroon si David sa disyerto ng En-gedi.

1 Samuel 24:1 (UKJV) And it came to pass, when Saul was returned from following the Philistines, that it was told him, saying, Behold, David is in the wilderness of Engedi.

1Nang bumalik si Saul mula sa pakikipaglaban sa mga Filisteo, sinabi sa kanya na naroon si David sa disyerto ng En-gedi.

2Kaya pumili si Saul ng 3,000 tao galing sa buong Israel at lumakad sila para hanapin si David, malapit sa mabatong lugar na tinitirhan ng maiilap na kambing.

3Nakarating si Saul sa kulungan ng mga tupa sa tabi ng daan, kung saan may kuweba roon. Pumasok siya sa loob ng kuweba at doon dumumi. Doon pala sa kaloob-loobang bahagi ng kuweba nagtatago si David at ang mga tauhan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.