1 Samuel 23

May nagsabi kay Saul na si David ay pumunta sa Keila. Kaya sinabi ni Saul, “Ibinigay na siya ng Diyos sa akin, para na niyang ibinilanggo ang kanyang sarili sa pagpasok sa bayan na napapalibutan ng pader.”

1 Samuel 23:7 (UKJV) And it was told Saul that David was come to Keilah. And Saul said, God has delivered him into mine hand; for he is shut in, by entering into a town that has gates and bars.

5Kaya pumunta si David at ang mga tauhan niya sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo. Marami silang pinatay na Filisteo. Kinuha nila ang mga hayop ng mga ito at nailigtas nila ang mga taga-Keila.

6(Nang tumakas si Abiatar at pumunta kay David sa Keila, dinala niya ang efod ng mga pari.)

7May nagsabi kay Saul na si David ay pumunta sa Keila. Kaya sinabi ni Saul, “Ibinigay na siya ng Diyos sa akin, para na niyang ibinilanggo ang kanyang sarili sa pagpasok sa bayan na napapalibutan ng pader.”

8Tinipon ni Saul ang lahat ng tauhan niya para pumunta sa Keila at lusubin si David at ang mga tauhan niya.

9Nang malaman ni David ang plano ni Saul, sinabihan niya ang paring si Abiatar na kunin ang espesyal na damit ng mga pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.