3Ngunit sinabi ng mga tauhan ni David, “Dito pa nga lang po sa Juda ay natatakot na kami, lalo pa kaya kung pupunta kami sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo.”
4Muling nagtanong si David sa Panginoon, at sinabi ng Panginoon, “Pumunta ka sa Keila dahil pagtatagumpayin ko kayo laban sa Filisteo.”
5Kaya pumunta si David at ang mga tauhan niya sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo. Marami silang pinatay na Filisteo. Kinuha nila ang mga hayop ng mga ito at nailigtas nila ang mga taga-Keila.
6(Nang tumakas si Abiatar at pumunta kay David sa Keila, dinala niya ang efod ng mga pari.)
7May nagsabi kay Saul na si David ay pumunta sa Keila. Kaya sinabi ni Saul, “Ibinigay na siya ng Diyos sa akin, para na niyang ibinilanggo ang kanyang sarili sa pagpasok sa bayan na napapalibutan ng pader.”