1 Samuel 24

Sa araw na ito, ipinakita mo ang iyong kabutihan. Ibinigay ako ng Panginoon sa mga kamay mo para patayin pero hindi mo ito ginawa.

1 Samuel 24:18 (UKJV) And you have showed this day how that you have dealt well with me: forasmuch as when the LORD had delivered me into yours hand, you killed me not.

16Matapos magsalita ni David, sinabi ni Saul, “Ikaw ba iyan, David, anak ko?” At humagulgol si Saul.

17Sinabi pa niya, “Mas matuwid ka kaysa sa akin. Mabuti ang trato mo sa akin ngunit masama ang iginanti ko saʼyo.

18Sa araw na ito, ipinakita mo ang iyong kabutihan. Ibinigay ako ng Panginoon sa mga kamay mo para patayin pero hindi mo ito ginawa.

19Ang ibaʼy hindi pinababayaang makatakas ang kanilang kaaway kapag nakita na nila ito. Gantimpalaan ka sana ng Panginoon sa kabutihang ipinakita mo sa akin ngayon.

20Alam kong magiging hari ka at ang kaharian ng Israel ay magiging matatag sa ilalim ng iyong pamumuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.