17Sinabi pa niya, “Mas matuwid ka kaysa sa akin. Mabuti ang trato mo sa akin ngunit masama ang iginanti ko saʼyo.
18Sa araw na ito, ipinakita mo ang iyong kabutihan. Ibinigay ako ng Panginoon sa mga kamay mo para patayin pero hindi mo ito ginawa.
19Ang ibaʼy hindi pinababayaang makatakas ang kanilang kaaway kapag nakita na nila ito. Gantimpalaan ka sana ng Panginoon sa kabutihang ipinakita mo sa akin ngayon.
20Alam kong magiging hari ka at ang kaharian ng Israel ay magiging matatag sa ilalim ng iyong pamumuno.
21Ngayon, mangako ka sa akin sa pangalan ng Panginoon na hindi mo papatayin ang aking angkan upang hindi mawala ang pangalan ng pamilya ko.”