20Alam kong magiging hari ka at ang kaharian ng Israel ay magiging matatag sa ilalim ng iyong pamumuno.
21Ngayon, mangako ka sa akin sa pangalan ng Panginoon na hindi mo papatayin ang aking angkan upang hindi mawala ang pangalan ng pamilya ko.”
22Kaya sumumpa si David kay Saul. Pagkatapos, umuwi si Saul, pero si David at ang mga tauhan niyaʼy bumalik sa pinagtataguan nila.