1 Samuel 25

Lumipas ang panahon at namatay si Samuel. Nagtipon ang buong Israel at ipinagluksa ang pagkamatay niya. Inilibing siya sa kanyang tirahan sa Rama. Pagkatapos nito, lumipat si David sa disyerto ng Paran.

1 Samuel 25:1 (UKJV) And Samuel died; and all the Israelites were gathered together, and lamented him, and buried him in his house at Ramah. And David arose, and went down to the wilderness of Paran.

1Lumipas ang panahon at namatay si Samuel. Nagtipon ang buong Israel at ipinagluksa ang pagkamatay niya. Inilibing siya sa kanyang tirahan sa Rama. Pagkatapos nito, lumipat si David sa disyerto ng Paran.

2Doon sa Paran, may isang tao na napakayaman at may lupain sa Carmel. Mayroon siyang isang libong kambing at tatlong libong tupa na kanyang pinapagupitan sa Carmel.

3Ang pangalan ng taong ito ay Nabal at mula siya sa angkan ni Caleb. Ang asawa naman niya ay si Abigail. Matalino at maganda si Abigail ngunit si Nabal ay masungit at magaspang ang pag-uugali.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.