1Lumipas ang panahon at namatay si Samuel. Nagtipon ang buong Israel at ipinagluksa ang pagkamatay niya. Inilibing siya sa kanyang tirahan sa Rama. Pagkatapos nito, lumipat si David sa disyerto ng Paran.
2Doon sa Paran, may isang tao na napakayaman at may lupain sa Carmel. Mayroon siyang isang libong kambing at tatlong libong tupa na kanyang pinapagupitan sa Carmel.
3Ang pangalan ng taong ito ay Nabal at mula siya sa angkan ni Caleb. Ang asawa naman niya ay si Abigail. Matalino at maganda si Abigail ngunit si Nabal ay masungit at magaspang ang pag-uugali.
4Habang nasa ilang si David, nabalitaan niya na pinapagupitan na ni Nabal ang kanyang mga tupa.