1 Samuel 25

Ang pangalan ng taong ito ay Nabal at mula siya sa angkan ni Caleb. Ang asawa naman niya ay si Abigail. Matalino at maganda si Abigail ngunit si Nabal ay masungit at magaspang ang pag-uugali.

1 Samuel 25:3 (UKJV) Now the name of the man was Nabal; and the name of his wife Abigail: and she was a woman of good understanding, and of a beautiful countenance: but the man was rude and evil in his doings; and he was of the house of Caleb.

1Lumipas ang panahon at namatay si Samuel. Nagtipon ang buong Israel at ipinagluksa ang pagkamatay niya. Inilibing siya sa kanyang tirahan sa Rama. Pagkatapos nito, lumipat si David sa disyerto ng Paran.

2Doon sa Paran, may isang tao na napakayaman at may lupain sa Carmel. Mayroon siyang isang libong kambing at tatlong libong tupa na kanyang pinapagupitan sa Carmel.

3Ang pangalan ng taong ito ay Nabal at mula siya sa angkan ni Caleb. Ang asawa naman niya ay si Abigail. Matalino at maganda si Abigail ngunit si Nabal ay masungit at magaspang ang pag-uugali.

4Habang nasa ilang si David, nabalitaan niya na pinapagupitan na ni Nabal ang kanyang mga tupa.

5Kaya nagsugo si David ng sampung kalalakihan sa Carmel at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo doon kay Nabal sa Carmel at batiin ninyo siya sa aking pangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.