1 Samuel 25

hindi kayo uusigin ng inyong konsensiya dahil hindi kayo naghiganti at pumatay nang walang sapat na dahilan. At kapag pinagtagumpay na kayo ng Panginoon, nakikiusap ako na huwag nʼyo po akong kalimutan na inyong lingkod.”

1 Samuel 25:31 (UKJV) That this shall be no grief unto you, nor offence of heart unto my lord, either that you have shed blood causeless, or that my lord has avenged himself: but when the LORD shall have dealt well with my lord, then remember yours handmaid.

29Kahit may humahabol sa inyo para patayin kayo, iingatan kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Ililigtas kayo ng kanyang mga kamay tulad ng pag-iingat ng isang tao sa isang mamahaling bagay. Ngunit ang inyong mga kaaway ay ihahagis na parang batong ibinala sa tirador.

30Kapag natupad na ang lahat ng kabutihang ipinangako sa inyo ng Panginoon at maging pinuno na kayo ng Israel,

31hindi kayo uusigin ng inyong konsensiya dahil hindi kayo naghiganti at pumatay nang walang sapat na dahilan. At kapag pinagtagumpay na kayo ng Panginoon, nakikiusap ako na huwag nʼyo po akong kalimutan na inyong lingkod.”

32Sinabi ni David kay Abigail, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nagsugo sa inyo sa araw na ito para makipagkita sa akin.

33Salamat sa Diyos sa mabuti mong pagpapasya. Dahil dito, iniwas mo ako sa paghihiganti at pagpatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.