31hindi kayo uusigin ng inyong konsensiya dahil hindi kayo naghiganti at pumatay nang walang sapat na dahilan. At kapag pinagtagumpay na kayo ng Panginoon, nakikiusap ako na huwag nʼyo po akong kalimutan na inyong lingkod.”
32Sinabi ni David kay Abigail, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nagsugo sa inyo sa araw na ito para makipagkita sa akin.
33Salamat sa Diyos sa mabuti mong pagpapasya. Dahil dito, iniwas mo ako sa paghihiganti at pagpatay.
34Kung hindi ka nagmadaling makipagkita sa akin, wala sanang matitirang buháy na lalaki sa sambahayan ni Nabal bukas ng umaga. Isinumpa ko iyan sa buháy na Panginoon, ang Diyos ng Israel, na siyang pumigil sa akin sa paggawa sa iyo ng masama.”
35Tinanggap ni David ang mga regalo ni Abigail at sinabi, “Umuwi kang mapayapa at huwag ka nang mag-alala. Gagawin ko ang mga sinabi mo.”