33Salamat sa Diyos sa mabuti mong pagpapasya. Dahil dito, iniwas mo ako sa paghihiganti at pagpatay.
34Kung hindi ka nagmadaling makipagkita sa akin, wala sanang matitirang buháy na lalaki sa sambahayan ni Nabal bukas ng umaga. Isinumpa ko iyan sa buháy na Panginoon, ang Diyos ng Israel, na siyang pumigil sa akin sa paggawa sa iyo ng masama.”
35Tinanggap ni David ang mga regalo ni Abigail at sinabi, “Umuwi kang mapayapa at huwag ka nang mag-alala. Gagawin ko ang mga sinabi mo.”
36Umuwi si Abigail at nadatnan niya si Nabal na nagdiriwang tulad ng hari. Sobrang saya ni Nabal at lasing na lasing, kaya hindi na niya sinabi rito hanggang umaga ang pakikipagkita niya kay David.
37Kinaumagahan, nang wala na ang pagkalasing nito, sinabi sa kanya ni Abigail ang nangyari. Inatake siya sa puso at hindi na nakagalaw.