1 Samuel 25

Kung hindi ka nagmadaling makipagkita sa akin, wala sanang matitirang buháy na lalaki sa sambahayan ni Nabal bukas ng umaga. Isinumpa ko iyan sa buháy na Panginoon, ang Diyos ng Israel, na siyang pumigil sa akin sa paggawa sa iyo ng masama.”

1 Samuel 25:34 (UKJV) For in very deed, as the LORD God of Israel lives, which has kept me back from hurting you, except you had hasted and come to meet me, surely there had not been left unto Nabal by the morning light any that pisses against the wall.

32Sinabi ni David kay Abigail, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nagsugo sa inyo sa araw na ito para makipagkita sa akin.

33Salamat sa Diyos sa mabuti mong pagpapasya. Dahil dito, iniwas mo ako sa paghihiganti at pagpatay.

34Kung hindi ka nagmadaling makipagkita sa akin, wala sanang matitirang buháy na lalaki sa sambahayan ni Nabal bukas ng umaga. Isinumpa ko iyan sa buháy na Panginoon, ang Diyos ng Israel, na siyang pumigil sa akin sa paggawa sa iyo ng masama.”

35Tinanggap ni David ang mga regalo ni Abigail at sinabi, “Umuwi kang mapayapa at huwag ka nang mag-alala. Gagawin ko ang mga sinabi mo.”

36Umuwi si Abigail at nadatnan niya si Nabal na nagdiriwang tulad ng hari. Sobrang saya ni Nabal at lasing na lasing, kaya hindi na niya sinabi rito hanggang umaga ang pakikipagkita niya kay David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.