40Pagdating ng mga mensahero sa Carmel, sinabi nila kay Abigail, “Pinapunta kami ni David sa iyo upang sunduin ka at gawing asawa niya.”
41Lumuhod si Abigail at sinabi, “Pumapayag ako. Handa akong paglingkuran siya pati na ang kanyang mga alipin.”
42Dali-daling sumakay si Abigail sa asno at sumáma sa mga mensahero ni David. Isinama niya ang lima niyang aliping babae, at naging asawa siya ni David.
43Pinakasalan din ni David si Ahinoam na taga-Jezreel, at dalawa silang naging asawa ni David.
44Ang unang asawa ni David na si Mical ay ibinigay ni Saul kay Palti na anak ni Lais na taga-Galim.