1 Samuel 26

nagpadala siya ng mga espiya at nalaman niyang dumating nga si Saul.

1 Samuel 26:4 (UKJV) David therefore sent out spies, and understood that Saul was come in very deed.

2Kaya umalis si Saul patungo sa ilang ng Zif kasama ang 3,000 na kanyang piniling tauhan mula sa Israel para hanapin si David.

3Nagkampo sila sa tabi ng daan sa kaburulan ng Hakila, na nasa harap ng Jeshimon. Si David ay nagtatago sa disyerto. Nang mabalitaan ni David na nasundan siya doon ni Saul,

4nagpadala siya ng mga espiya at nalaman niyang dumating nga si Saul.

5Pagkatapos, naghanda si David at pumunta sa kampo ni Saul. Nakita niya si Saul at si Abner na anak ni Ner na pinuno ng hukbo ng mga sundalo. Napapalibutan si Saul ng mga natutulog na sundalo na natutulog.

6Tinanong ni David si Ahimelec na Heteo at si Abisai na anak ni Zeruias at kapatid ni Joab, “Sino sa inyo ang sasáma sa akin para pumasok sa kampo ni Saul?” Sumagot si Abisai, “Ako po, sasáma ako sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.