1 Samuel 26

Tinanong ni David si Ahimelec na Heteo at si Abisai na anak ni Zeruias at kapatid ni Joab, “Sino sa inyo ang sasáma sa akin para pumasok sa kampo ni Saul?” Sumagot si Abisai, “Ako po, sasáma ako sa inyo.”

1 Samuel 26:6 (UKJV) Then answered David and said to Ahimelech the Hittite, and to Abishai the son of Zeruiah, brother to Joab, saying, Who will go down with me to Saul to the camp? And Abishai said, I will go down with you.

4nagpadala siya ng mga espiya at nalaman niyang dumating nga si Saul.

5Pagkatapos, naghanda si David at pumunta sa kampo ni Saul. Nakita niya si Saul at si Abner na anak ni Ner na pinuno ng hukbo ng mga sundalo. Napapalibutan si Saul ng mga natutulog na sundalo na natutulog.

6Tinanong ni David si Ahimelec na Heteo at si Abisai na anak ni Zeruias at kapatid ni Joab, “Sino sa inyo ang sasáma sa akin para pumasok sa kampo ni Saul?” Sumagot si Abisai, “Ako po, sasáma ako sa inyo.”

7Kaya nang gabing iyon, pinasok nina David at Abisai ang kampo ni Saul, at natagpuan nila itong natutulog, na ang sibat ay nakatusok sa lupa sa ulunan ni Saul.

8Sinabi ni Abisai kay David, “Sa araw na ito, ipinagkaloob sa inyo ng Diyos ang tagumpay laban sa inyong kaaway. Payagan nʼyo akong saksakin siya ng sibat na iyon at nang mabaon hanggang sa lupa. Isang saksak ko lang sa kanya at hindi na kailangang ulitin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.