6Tinanong ni David si Ahimelec na Heteo at si Abisai na anak ni Zeruias at kapatid ni Joab, “Sino sa inyo ang sasáma sa akin para pumasok sa kampo ni Saul?” Sumagot si Abisai, “Ako po, sasáma ako sa inyo.”
7Kaya nang gabing iyon, pinasok nina David at Abisai ang kampo ni Saul, at natagpuan nila itong natutulog, na ang sibat ay nakatusok sa lupa sa ulunan ni Saul.
8Sinabi ni Abisai kay David, “Sa araw na ito, ipinagkaloob sa inyo ng Diyos ang tagumpay laban sa inyong kaaway. Payagan nʼyo akong saksakin siya ng sibat na iyon at nang mabaon hanggang sa lupa. Isang saksak ko lang sa kanya at hindi na kailangang ulitin.”
9Ngunit sinabi ni David kay Abisai, “Huwag mo siyang patayin! Parurusahan ng Panginoon ang sinumang papatay sa kanyang piniling hari.
10Sinisiguro ko sa iyo, sa presensya ng buháy na Panginoon, na ang Panginoon mismo ang papatay sa kanya, o mamamatay siya sa digmaan o dahil sa katandaan.