1 Samuel 26

Kaya nang gabing iyon, pinasok nina David at Abisai ang kampo ni Saul, at natagpuan nila itong natutulog, na ang sibat ay nakatusok sa lupa sa ulunan ni Saul.

1 Samuel 26:7 (UKJV) So David and Abishai came to the people by night: and, behold, Saul lay sleeping within the trench, and his spear stuck in the ground at his bolster: but Abner and the people lay round about him.

5Pagkatapos, naghanda si David at pumunta sa kampo ni Saul. Nakita niya si Saul at si Abner na anak ni Ner na pinuno ng hukbo ng mga sundalo. Napapalibutan si Saul ng mga natutulog na sundalo na natutulog.

6Tinanong ni David si Ahimelec na Heteo at si Abisai na anak ni Zeruias at kapatid ni Joab, “Sino sa inyo ang sasáma sa akin para pumasok sa kampo ni Saul?” Sumagot si Abisai, “Ako po, sasáma ako sa inyo.”

7Kaya nang gabing iyon, pinasok nina David at Abisai ang kampo ni Saul, at natagpuan nila itong natutulog, na ang sibat ay nakatusok sa lupa sa ulunan ni Saul.

8Sinabi ni Abisai kay David, “Sa araw na ito, ipinagkaloob sa inyo ng Diyos ang tagumpay laban sa inyong kaaway. Payagan nʼyo akong saksakin siya ng sibat na iyon at nang mabaon hanggang sa lupa. Isang saksak ko lang sa kanya at hindi na kailangang ulitin.”

9Ngunit sinabi ni David kay Abisai, “Huwag mo siyang patayin! Parurusahan ng Panginoon ang sinumang papatay sa kanyang piniling hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.