10Kapag itinatanong ni Aquis kung saan sila sumalakay nang araw na iyon, sinasabi nilang sinalakay nila ang Negeb sa Juda, o sa bahagi ng Negeb na tinitirhan ng mga Jerameelita o sa bahagi ng Negeb na tinitirhan ng mga Cineo.
11Pinapatay nina David ang lahat ng lalaki at babae para walang makarating sa Gat at sabihin kung ano talaga ang ginawa nila. Ito ang madalas niyang ginagawa habang naroon siya sa teritoryo ng mga Filisteo.
12Pinagkakatiwalaan ni Aquis si David kaya nasabi niya sa kanyang sarili, “Natitiyak kong kinamumuhian na si David ng mga kapwa niya Israelita kaya habambuhay na siyang maglilingkod sa akin.”