1 Samuel 28

Nang mga panahong iyon, tinipon ng mga Filisteo ang mga sundalo nila at naghanda sa pakikipaglaban sa mga Israelita. Sinabi ni Aquis kay David, “Kailangang sumáma ka at ang mga tauhan mo sa amin para makipaglaban.”

1 Samuel 28:1 (UKJV) And it came to pass in those days, that the Philistines gathered their armies together for warfare, to fight with Israel. And Achish said unto David, Know you assuredly, that you shall go out with me to battle, you and your men.

1Nang mga panahong iyon, tinipon ng mga Filisteo ang mga sundalo nila at naghanda sa pakikipaglaban sa mga Israelita. Sinabi ni Aquis kay David, “Kailangang sumáma ka at ang mga tauhan mo sa amin para makipaglaban.”

2Sinabi ni David, “Kung ganoon, makikita ninyo kung ano ang magagawa ko, na inyong lingkod.” Sumagot si Aquis, “Mabuti! Gagawin kitang personal na tagapagbantay ko habambuhay.”

3Patay na noon si Samuel. Nang mamatay siya nalungkot at nagluksa ang buong Israel sa kanya, at inilibing siya sa kanyang bayan sa Rama. At pinaalis na ni Saul ang mga espiritista sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.