1 Samuel 28

Sinabi ni David, “Kung ganoon, makikita ninyo kung ano ang magagawa ko, na inyong lingkod.” Sumagot si Aquis, “Mabuti! Gagawin kitang personal na tagapagbantay ko habambuhay.”

1 Samuel 28:2 (UKJV) And David said to Achish, Surely you shall know what your servant can do. And Achish said to David, Therefore will I make you keeper of mine head for ever.

1Nang mga panahong iyon, tinipon ng mga Filisteo ang mga sundalo nila at naghanda sa pakikipaglaban sa mga Israelita. Sinabi ni Aquis kay David, “Kailangang sumáma ka at ang mga tauhan mo sa amin para makipaglaban.”

2Sinabi ni David, “Kung ganoon, makikita ninyo kung ano ang magagawa ko, na inyong lingkod.” Sumagot si Aquis, “Mabuti! Gagawin kitang personal na tagapagbantay ko habambuhay.”

3Patay na noon si Samuel. Nang mamatay siya nalungkot at nagluksa ang buong Israel sa kanya, at inilibing siya sa kanyang bayan sa Rama. At pinaalis na ni Saul ang mga espiritista sa Israel.

4Nagkampo ang mga Filisteo sa Shunem, at si Saul naman at ang buong hukbo ng Israel ay sa Gilboa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.