1 Samuel 28

Nagkampo ang mga Filisteo sa Shunem, at si Saul naman at ang buong hukbo ng Israel ay sa Gilboa.

1 Samuel 28:4 (UKJV) And the Philistines gathered themselves together, and came and pitched in Shunem: and Saul gathered all Israel together, and they pitched in Gilboa.

2Sinabi ni David, “Kung ganoon, makikita ninyo kung ano ang magagawa ko, na inyong lingkod.” Sumagot si Aquis, “Mabuti! Gagawin kitang personal na tagapagbantay ko habambuhay.”

3Patay na noon si Samuel. Nang mamatay siya nalungkot at nagluksa ang buong Israel sa kanya, at inilibing siya sa kanyang bayan sa Rama. At pinaalis na ni Saul ang mga espiritista sa Israel.

4Nagkampo ang mga Filisteo sa Shunem, at si Saul naman at ang buong hukbo ng Israel ay sa Gilboa.

5Nang makita ni Saul ang mga sundalo ng mga Filisteo, pinagharian siya ng matinding takot.

6Nagtanong siya sa Panginoon kung ano ang nararapat niyang gawin. Ngunit hindi siya sinagot ng Panginoon kahit sa pamamagitan ng panaginip, o sa mga propeta, o kahit sa anumang paraan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.