1 Samuel 28

Sumumpa si Saul sa kanya sa pangalan ng buháy na Panginoon na hindi siya mapaparusahan sa gagawin niya.

1 Samuel 28:10 (UKJV) And Saul swore to her by the LORD, saying, As the LORD lives, there shall no punishment happen to you for this thing.

8Kaya nagpanggap si Saul sa pamamagitan ng pagsusuot ng ordinaryong damit sa halip na ang magara niyang damit. Kinagabihan, pinuntahan niya ang babae kasama ang dalawa niyang tauhan. Pagdating nila, sinabi ni Saul sa babae, “Gusto kong makipag-usap sa kaluluwa ng isang tao.”

9Sinabi ng babae sa kanya, “Ano, gusto mo bang mamatay ako? Alam mo naman siguro kung ano ang ginawa ni Saul. Pinaalis niya sa Israel ang lahat ng espiritista at mga manghuhula. Huwag mong ilagay sa panganib ang buhay ko.”

10Sumumpa si Saul sa kanya sa pangalan ng buháy na Panginoon na hindi siya mapaparusahan sa gagawin niya.

11Nang bandang huli, sinabi ng babae, “Sino ang kaluluwang gusto mong kausapin?” Sinabi ni Saul, “Tawagin mo si Samuel.”

12Kaya tinawag ng babae si Samuel, at nang makita ng babae si Samuel, sumigaw siya nang malakas at sinabi niya kay Saul, “Niloko nʼyo po ako! Kayo po si Saul!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.