10Sumumpa si Saul sa kanya sa pangalan ng buháy na Panginoon na hindi siya mapaparusahan sa gagawin niya.
11Nang bandang huli, sinabi ng babae, “Sino ang kaluluwang gusto mong kausapin?” Sinabi ni Saul, “Tawagin mo si Samuel.”
12Kaya tinawag ng babae si Samuel, at nang makita ng babae si Samuel, sumigaw siya nang malakas at sinabi niya kay Saul, “Niloko nʼyo po ako! Kayo po si Saul!”
13Sinabi ng hari sa kanya, “Huwag kang matakot. Ano ba ang nakikita mo?” Sumagot ang babae, “May nakikita ko po ang isang kaluluwa na lumalabas galing sa lupa.”
14Nagtanong si Saul, “Ano ba ang itsura niya?” Sumagot siya, “Isa pong matandang lalaki na nakabalabal.” Natiyak ni Saul na si Samuel iyon kaya nagpatirapa siya bilang paggalang sa kanya.