1 Samuel 30

Nakarating si David at ang mga tauhan niya sa Ziklag nang ikatlong araw. Sinalakay na noon ng mga Amalekita ang Negeb at Ziklag. Nilusob nila ang Ziklag at sinunog ito.

1 Samuel 30:1 (UKJV) And it came to pass, when David and his men were come to Ziklag on the third day, that the Amalekites had invaded the south, and Ziklag, and smitten Ziklag, and burned it with fire;

1Nakarating si David at ang mga tauhan niya sa Ziklag nang ikatlong araw. Sinalakay na noon ng mga Amalekita ang Negeb at Ziklag. Nilusob nila ang Ziklag at sinunog ito.

2Binihag nila ang mga babae at ang lahat ng tao doon, bata man o matanda. Walang pinatay kahit isa ngunit dinala nila ang mga ito sa kanilang pag-alis.

3Nang makarating si David at ang mga tauhan niya sa Ziklag, nakita nila na nasunog na ang kanilang lugar at ang kanilang mga asawaʼt anak ay binihag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.