1 Samuel 30

Binihag nila ang mga babae at ang lahat ng tao doon, bata man o matanda. Walang pinatay kahit isa ngunit dinala nila ang mga ito sa kanilang pag-alis.

1 Samuel 30:2 (UKJV) And had taken the women captives, that were therein: they slew not any, either great or small, but carried them away, and went on their way.

1Nakarating si David at ang mga tauhan niya sa Ziklag nang ikatlong araw. Sinalakay na noon ng mga Amalekita ang Negeb at Ziklag. Nilusob nila ang Ziklag at sinunog ito.

2Binihag nila ang mga babae at ang lahat ng tao doon, bata man o matanda. Walang pinatay kahit isa ngunit dinala nila ang mga ito sa kanilang pag-alis.

3Nang makarating si David at ang mga tauhan niya sa Ziklag, nakita nila na nasunog na ang kanilang lugar at ang kanilang mga asawaʼt anak ay binihag.

4Dahil dito, napaiyak nang husto si David at ang mga tauhan niya hanggang wala na silang lakas para umiyak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.