8Nagtanong si David sa Panginoon, “Hahabulin ko po ba ang mga sumalakay sa amin? Matatalo ko po ba sila?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, habulin mo sila. Siguradong matatalo mo sila at maililigtas mo ang mga bihag.”
9Kaya lumakad si David kasama ang 600 niyang tauhan at nakarating sila sa lambak ng Besor. Nagpaiwan doon
10ang 200 niyang tauhan dahil pagod na pagod na sila para tumawid pa sa lambak ng Besor. Ngunit nagpatuloy si David sa paghabol kasama ang 400 niyang tauhan.
11Nakita ang ilang tauhan ni David ng isang Ehipsiyo sa bukid. Dinala nila ito kay David, at binigyan nila ng tubig at tinapay.
12Binigyan din nila ang Ehipsiyo ng kapirasong tuyong igos at dalawang tumpok ng pasas, dahil tatlong araw na siyang hindi kumakain ni umiinom. Pagkatapos niyang kumain, nanumbalik ang kanyang lakas.