1 Samuel 30

Nagtanong si David sa kanya, “Masasamahan mo ba kami sa mga taong bumihag sa pamilya namin?” Sumagot siya, “Opo. Kung maipapangako nʼyo sa pangalan ng Diyos na hindi nʼyo ako papatayin o ibabalik sa aking amo, sasamahan ko po kayo sa kanila.”

1 Samuel 30:15 (UKJV) And David said to him, Can you bring me down to this company? And he said, Swear unto me by God, that you will neither kill me, nor deliver me into the hands of my master, and I will bring you down to this company.

13Tinanong siya ni David, “Sino ang amo mo? Taga-saan ka?” Sumagot siya, “Isa po akong Ehipsiyo, at alipin ng isang Amalekita. Iniwan ako ng amo ko, tatlong araw na po ang nakakaraan dahil nagkasakit ako.

14Bigla po naming sinalakay ang mga Kereteo sa Negeb, sa lupain ng Juda at ganoon din ang katimugang bahagi ng Negeb na tinitirhan ng mga angkan ni Caleb. Sinunog din po namin ang Ziklag.”

15Nagtanong si David sa kanya, “Masasamahan mo ba kami sa mga taong bumihag sa pamilya namin?” Sumagot siya, “Opo. Kung maipapangako nʼyo sa pangalan ng Diyos na hindi nʼyo ako papatayin o ibabalik sa aking amo, sasamahan ko po kayo sa kanila.”

16Kaya sinamahan ng Ehipsiyo sina David sa mga Amalekita. Doon, nadatnan nila ang mga Amalekitang nakakalat na kumakain, umiinom at nagkakasayahan, dahil marami silang nasamsam sa lupain ng mga Filisteo at Juda.

17Sinalakay sila ni David at ng mga tauhan niya, mula sa paglubog ng araw hanggang sa kinagabihan ng sumunod na araw. Walang ibang nakatakas sa mga Amalekita, maliban sa 400 kabataang lalaki na sumakay sa kamelyo nila at tumakas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.