4Kaya ipinakuha nila sa Silo ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon ng mga Hukbo. Ang takip ng Kahon ay may estatwa ng dalawang kerubin, at nananahan sa kalagitnaan nito ang Panginoon. Sumama sa pagdala ng Kahon ng Kasunduan ang dalawang anak ni Eli na sina Hofni at Finehas.
5Nang madala na ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon doon sa kampo, sumigaw nang malakas ang mga Israelita sa kasiyahan at yumanig ang lupa.
6Nang marinig ng mga Filisteo ang sigawan ng mga Israelita, nagtanong sila, “Bakit kaya sumisigaw ang mga Hebreo sa kanilang kampo?” Nang malaman nila na ang Kahon ng Panginoon ay nasa kampo ng mga Israelita,
7natakot sila at sinabi, “May dumating na diyos sa kampo ng mga Israelita! Nanganganib tayo! Kahit kailan, hindi pa nangyayari ang ganito sa atin.
8Kahabag-habag tayo! Sino ang magliligtas sa atin sa mga makapangyarihan nilang diyos? Sila rin ang mga diyos na pumatay sa mga Ehipsiyo sa disyerto sa pamamagitan ng ibaʼt ibang mga salot.