1 Samuel 4

Kahabag-habag tayo! Sino ang magliligtas sa atin sa mga makapangyarihan nilang diyos? Sila rin ang mga diyos na pumatay sa mga Ehipsiyo sa disyerto sa pamamagitan ng ibaʼt ibang mga salot.

6Nang marinig ng mga Filisteo ang sigawan ng mga Israelita, nagtanong sila, “Bakit kaya sumisigaw ang mga Hebreo sa kanilang kampo?” Nang malaman nila na ang Kahon ng Panginoon ay nasa kampo ng mga Israelita,

7natakot sila at sinabi, “May dumating na diyos sa kampo ng mga Israelita! Nanganganib tayo! Kahit kailan, hindi pa nangyayari ang ganito sa atin.

8Kahabag-habag tayo! Sino ang magliligtas sa atin sa mga makapangyarihan nilang diyos? Sila rin ang mga diyos na pumatay sa mga Ehipsiyo sa disyerto sa pamamagitan ng ibaʼt ibang mga salot.

9Kaya magpakatatag tayo, dahil kung hindi, magiging alipin tayo ng mga Hebreo gaya ng pang-aalipin natin sa kanila. Labanan natin sila.”

10Kaya nakipaglaban ang mga Filisteo at natalo ang mga Israelita. Napakarami ng napatay; 30,000 ang napatay na mga Israelita. Ang mga natira sa kanila ay tumakas pabalik sa kanilang tinitirhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.