1 Samuel 5

Nang makita ng mga taga-Asdod ang nangyari, sinabi nila, “Hindi dapat manatili sa atin ang Kahon ng Diyos ng Israel dahil pinarurusahan niya tayo at si Dagon na ating diyos.”

1 Samuel 5:7 (UKJV) And when the men of Ashdod saw that it was so, they said, The ark of the God of Israel shall not abide with us: for his hand is sore upon us, and upon Dagon our god.

5Kaya hanggang ngayon, ang mga pari ni Dagon at ang mga pumapasok sa templo niya roon sa Asdod ay hindi na tumatapak sa bandang pintuan.

6Pinarusahan nang matindi ng Panginoon ang mga taga-Asdod at mga karatig lugar nito. Binigyan sila ng Panginoon ng mga bukol bilang parusa sa kanila.

7Nang makita ng mga taga-Asdod ang nangyari, sinabi nila, “Hindi dapat manatili sa atin ang Kahon ng Diyos ng Israel dahil pinarurusahan niya tayo at si Dagon na ating diyos.”

8Kaya ipinatawag nila ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo at nagtanong, “Ano ang gagawin natin sa Kahon ng Diyos ng Israel?” Sumagot sila, “Dalhin ito sa Gat.” Kaya dinala nila ang Kahon ng Diyos ng Israel sa Gat.

9Ngunit nang dumating ito roon, pinarusahan din ng Panginoon ang mga tao sa lungsod na iyon. Labis na nagkagulo ang buong bayan dahil binigyan din sila ng Panginoon ng mga bukol, bata man o matanda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.