14Dumating ang kariton sa bukid ni Josue na taga-Bet-semes, at tumigil sa tabi ng isang malaking bato. Kinuha ng mga Levita ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon at ang kahon na may lamang mga gintong estatwa, at ipinatong sa malaking bato. Pagkatapos, sinibak nila ang kariton at inialay ang mga baka sa Panginoon bilang handog na sinusunog, at nag-alay sila ng iba pang mga handog.
16Nakita ng limang pinuno ng mga Filisteo ang lahat ng ito at pagkatapos ay umuwi sila sa Ekron nang araw ding iyon.
17Ang limang gintong hugis bukol na ipinadala ng mga Filisteo na handog sa Panginoon bilang kabayaran ng pagkakasala ay galing sa mga pinuno ng Asdod, Gaza, Ashkelon, Gat at Ekron.
18Kasama ng limang gintong hugis daga, ayon na rin sa bilang ng limang bayan ng mga Filisteo. Itong mga napapaderang bayan at ang mga baryo na walang pader ay sakop ng limang pinunong iyon. Ang malaking bato sa bukid ni Josue ng Bet-semes na pinagpatungan nila ng Kahon ng Panginoon ay naroon pa hanggang ngayon bilang alaala sa nangyari roon.