1 Samuel 6

Ngunit may pinatay ang Diyos na pitumpung taga-Bet-semes dahil tiningnan nila ang laman ng Kahon ng Panginoon. Nagluksa ang mga tao dahil sa matinding dagok na ito ng Panginoon sa kanila.

1 Samuel 6:19 (UKJV) And he stroke the men of Bethshemesh, because they had looked into the ark of the LORD, even he stroke of the people fifty thousand and threescore and ten men: and the people lamented, because the LORD had smitten many of the people with a great slaughter.

17Ang limang gintong hugis bukol na ipinadala ng mga Filisteo na handog sa Panginoon bilang kabayaran ng pagkakasala ay galing sa mga pinuno ng Asdod, Gaza, Ashkelon, Gat at Ekron.

18Kasama ng limang gintong hugis daga, ayon na rin sa bilang ng limang bayan ng mga Filisteo. Itong mga napapaderang bayan at ang mga baryo na walang pader ay sakop ng limang pinunong iyon. Ang malaking bato sa bukid ni Josue ng Bet-semes na pinagpatungan nila ng Kahon ng Panginoon ay naroon pa hanggang ngayon bilang alaala sa nangyari roon.

19Ngunit may pinatay ang Diyos na pitumpung taga-Bet-semes dahil tiningnan nila ang laman ng Kahon ng Panginoon. Nagluksa ang mga tao dahil sa matinding dagok na ito ng Panginoon sa kanila.

20Nagtanong sila, “Sino ba ang makakaharap sa presensya ng Panginoon, ang banal na Diyos? Saan ba natin ipapadala ang Kahon ng Panginoon para mailayo ito sa atin?”

21Pagkatapos, nagsugo sila ng mga mensahero sa mga taga-Kiriat-jearim at sinabi roon, “Ibinalik ng mga Filisteo ang Kahon ng Panginoon. Pumunta kayo rito at dalhin ninyo ito sa lugar ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.