19Ngunit may pinatay ang Diyos na pitumpung taga-Bet-semes dahil tiningnan nila ang laman ng Kahon ng Panginoon. Nagluksa ang mga tao dahil sa matinding dagok na ito ng Panginoon sa kanila.
20Nagtanong sila, “Sino ba ang makakaharap sa presensya ng Panginoon, ang banal na Diyos? Saan ba natin ipapadala ang Kahon ng Panginoon para mailayo ito sa atin?”
21Pagkatapos, nagsugo sila ng mga mensahero sa mga taga-Kiriat-jearim at sinabi roon, “Ibinalik ng mga Filisteo ang Kahon ng Panginoon. Pumunta kayo rito at dalhin ninyo ito sa lugar ninyo.”