1 Samuel 6

Nagtanong ang mga Filisteo, “Ano ang ipapadala naming handog bilang kabayaran ng pagkakasala?” Sumagot ang mga pari at manghuhula, “Gumawa kayo ng limang gintong estatwa na hugis bukol at limang gintong estatwa na hugis daga, ayon sa dami ng mga pinuno natin, dahil dumating sa atin at sa mga pinuno natin ang salot ng mga bukol at daga na naminsala sa ating lupain. Ihandog ninyo ito bilang pagpaparangal sa Diyos ng Israel, baka sakaling itigil na niya ang pagpaparusa sa atin sa mga diyos natin, at sa ating lupain.

1 Samuel 6:4 (UKJV) Then said they, What shall be the trespass offering which we shall return to him? They answered, Five golden emerods, and five golden mice, according to the number of the lords of the Philistines: for one plague was on you all, and on your lords.

2ipinatawag ng mga Filisteo ang kanilang mga pari at manghuhula at nagtanong, “Ano ang gagawin namin sa Kahon ng Panginoon. Sabihin ninyo sa amin kung paano namin ito ibabalik sa kanyang lugar?”

3Sumagot sila, “Kung ibabalik ninyo ang Kahon ng Diyos ng Israel, dapat samahan ninyo ito ng handog bilang kabayaran ng pagkakasala, sa pamamagitan nito, gagaling kayo at ihihinto na ng Diyos ang pagpaparusa sa inyo.”

4Nagtanong ang mga Filisteo, “Ano ang ipapadala naming handog bilang kabayaran ng pagkakasala?” Sumagot ang mga pari at manghuhula, “Gumawa kayo ng limang gintong estatwa na hugis bukol at limang gintong estatwa na hugis daga, ayon sa dami ng mga pinuno natin, dahil dumating sa atin at sa mga pinuno natin ang salot ng mga bukol at daga na naminsala sa ating lupain. Ihandog ninyo ito bilang pagpaparangal sa Diyos ng Israel, baka sakaling itigil na niya ang pagpaparusa sa atin sa mga diyos natin, at sa ating lupain.

6Huwag na ninyong patigasin ang mga puso ninyo gaya ng ginawa ng mga Ehipsiyo at ng kanilang Faraon. Pinayagan lang nilang makaalis ang mga Israelita nang matindi na ang pagpapahirap sa kanila ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.