1Nanatili ang Kahon ng Panginoon sa mga Filisteo sa loob ng pitong buwan. Noong naroon pa ang Kahon,
2ipinatawag ng mga Filisteo ang kanilang mga pari at manghuhula at nagtanong, “Ano ang gagawin namin sa Kahon ng Panginoon. Sabihin ninyo sa amin kung paano namin ito ibabalik sa kanyang lugar?”
3Sumagot sila, “Kung ibabalik ninyo ang Kahon ng Diyos ng Israel, dapat samahan ninyo ito ng handog bilang kabayaran ng pagkakasala, sa pamamagitan nito, gagaling kayo at ihihinto na ng Diyos ang pagpaparusa sa inyo.”
4Nagtanong ang mga Filisteo, “Ano ang ipapadala naming handog bilang kabayaran ng pagkakasala?” Sumagot ang mga pari at manghuhula, “Gumawa kayo ng limang gintong estatwa na hugis bukol at limang gintong estatwa na hugis daga, ayon sa dami ng mga pinuno natin, dahil dumating sa atin at sa mga pinuno natin ang salot ng mga bukol at daga na naminsala sa ating lupain. Ihandog ninyo ito bilang pagpaparangal sa Diyos ng Israel, baka sakaling itigil na niya ang pagpaparusa sa atin sa mga diyos natin, at sa ating lupain.