14Naibalik sa Israel ang mga bayan malapit sa Ekron at Gat na sinakop ng mga Filisteo. Nagkaroon din ng kapayapaan sa pagitan ng mga Israelita at mga Amoreo.
15Nagpatuloy si Samuel sa pamumuno sa Israel sa buong buhay niya.
16Taon-taon, lumilibot siya mula Betel papuntang Gilgal at Mizpa para gampanan ang tungkulin niya bilang hukom sa mga lugar na ito.
17Ngunit bumabalik din siya sa Rama kung saan siya nakatira at namumuno rin sa mga tao roon. At gumawa siya roon ng altar para sa Panginoon.