1 Samuel 8

Kukunin niya ang mga anak ninyong babae at gagawin niyang mga kusinera at panadera, at tagagawa ng pabango.

1 Samuel 8:13 (UKJV) And he will take your daughters to be confectionaries, and to be cooks, and to be bakers.

11Sinabi niya, “Ito ang gagawin ng hari na mamumuno sa inyo: Kukunin niya ang mga anak ninyong lalaki at gagawin niyang mga sundalo. Silaʼy gagawin niyang mga mangangarwahe, mangangabayo at ang ibaʼy mauuna sa kanyang karwahe.

12Ang iba sa kanilaʼy gagawin niyang opisyal na mamamahala sa isang libong sundalo at ang iba naman sa 50 sundalo. Ang ibaʼy pag-aararuhin niya sa kanyang bukid at ang ibaʼy pag-aanihin ng mga pananim niya, ang iba namaʼy gagawin niyang manggagawa ng mga armas para sa digmaan at mga kagamitan para sa kanyang karwahe.

13Kukunin niya ang mga anak ninyong babae at gagawin niyang mga kusinera at panadera, at tagagawa ng pabango.

14Kukunin niya ang pinakamaganda ninyong mga bukid, mga ubasan, mga taniman ng olibo, at ibibigay niya ang mga ito sa mga utusan niya.

15Kukunin niya ang ikasampung bahagi ng inyong mga trigo at mga ubas, at ibibigay niya sa mga opisyal at iba pa niyang mga utusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.