4Kaya nagtipon ang lahat ng tagapamahala ng Israel at pumunta kay Samuel sa Rama.
5Sinabi nila, “Matanda na po kayo; at ang mga anak ninyoʼy hindi naman sumusunod sa inyong mga pamamaraan. Ngayon, bigyan nʼyo po kami ng hari na mamumuno sa amin, gaya ng ibang bansa na mayroong hari.”
6Ngunit sumama ang loob ni Samuel sa hiniling nila, kaya nanalangin siya sa Panginoon.
7Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Gawin mo ang ipinapagawa nila sa iyo, hindi ikaw ang tinatanggihan nila kundi ako.
8Mula nang ilabas ko sila sa Ehipto hanggang ngayon, itinakwil nila ako at sumunod sa diyos-diyosan. Ngayon, ganyan din ang ginagawa nila saʼyo.