7Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Gawin mo ang ipinapagawa nila sa iyo, hindi ikaw ang tinatanggihan nila kundi ako.
8Mula nang ilabas ko sila sa Ehipto hanggang ngayon, itinakwil nila ako at sumunod sa diyos-diyosan. Ngayon, ganyan din ang ginagawa nila saʼyo.
9Kaya gawin mo ang kahilingan nila, ngunit balaan mo sila tungkol sa pamumunong gagawin ng hari sa kanila.”
10Sinabi ni Samuel sa mga Israelitang humihingi ng hari ang lahat ng sinabi ng Panginoon.
11Sinabi niya, “Ito ang gagawin ng hari na mamumuno sa inyo: Kukunin niya ang mga anak ninyong lalaki at gagawin niyang mga sundalo. Silaʼy gagawin niyang mga mangangarwahe, mangangabayo at ang ibaʼy mauuna sa kanyang karwahe.