1 Samuel 9

Habulin ninyo siya bago siya umakyat sa sambahan sa mataas na lugar para doon kumain. Hindi kakain ang mga taong inimbita kung hindi pa siya dumarating, dahil kailangang basbasan muna niya ang mga handog. Kaya umakyat na kayo dahil maaabutan ninyo siya habang may araw pa.”

1 Samuel 9:13 (UKJV) As soon as all of you be come into the city, all of you shall immediately find him, before he go up to the high place to eat: for the people will not eat until he comes, because he does bless the sacrifice; and afterwards they eat that be bidden. Now therefore get you up; for about this time all of you shall find him.

11Habang tinatahak nila ang daang paakyat sa burol ng bayan, nakasalubong nila ang mga dalagang palabas para umigib. Nagtanong sila sa mga dalaga, “Nandito ba ngayon ang manghuhula?”

12Sumagot sila, “Oo, nandiyan siya. Nauna lang nang kaunti sa inyo. Kararating lang niya sa bayan namin para pangunahan ang mga tao sa paghahandog doon sa sambahan sa mataas na lugar. Dalian ninyo!

13Habulin ninyo siya bago siya umakyat sa sambahan sa mataas na lugar para doon kumain. Hindi kakain ang mga taong inimbita kung hindi pa siya dumarating, dahil kailangang basbasan muna niya ang mga handog. Kaya umakyat na kayo dahil maaabutan ninyo siya habang may araw pa.”

14Kaya umakyat sila sa bayan, at habang papasok sila, nakita nila si Samuel na dumarating na kasalubong nila papunta sa sambahan sa mataas na lugar.

15Isang araw bago dumating si Saul, sinabi na ng Panginoon kay Samuel,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.