1Mga kapatid, kayo na rin ang nakakaalam na hindi nasayang ang pagpunta namin diyan sa inyo.
2Alam nʼyo ang mga paghihirap at pag-aalipusta na dinanas namin sa Filipos bago pa man kami dumating diyan. Ngunit sa kabila nito, binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipangaral ang Magandang Balita sa inyo, kahit na marami ang kumokontra sa amin.
3Sapagkat ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian o sa hangaring mandaya o manloko.